Biyernes, Abril 4, 2014

"THREAT"

"Ang takot ay nasa isip lamang." - Coritha

kagabi,

dinalaw ako
     ng mga alalahanin;
bumaling-baling
bumiling-biling
nagpapaling-paling
     ang plakdang katawan
     sa lambot ng kutson,
waring nakakahon
sa lukob-alinsangan
ng namamawis
    na katawan

at agad
     napaigtad;
sa may sapot
    pang mata
at humihikab
    pang utak
urirat ng ulirat;
paano na'ng
    mga musmos mong anak,
paano na'ng
     mahal mong kabiyak
handa na ba sila
     sa maaring maganap?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento