Huwag kang matatakot!
pakalmahin ang puso
at katawan;
payapain ang isipan,
huwag kang padadala
sa paghangos ng damdamin;
ipikit ang mga mata,
huminga
at magbuga ng hangin;
salatin sa dibdib
ang tingarong salamisim
sa layaw at ulayaw
at sandali ng pag-angkin;
sa ganito'y
walang puwang
ang mabitin...
Maano bang
hawakan ang kaba,
ituon ang isip
sa layon ng pakikibaka!
manalig sa kargada,
higpitan ang hawak sa sandata,
ikasa...
itutok sa katawang
bubulagta,
sipatin ang dibdib
o ang bao ng ulo,
ipunin ang lakas
sa buo mong pagkatao;
at kung handa ka na'y
buong giliw kalabitin
ang gatilyo;
aalingawngaw ang putok!
ng punglong bumaon
sa puso!
ng balang bumutas
sa bungo!
ngunit ang tandaan,
ito'y unang putok pa lang!
kaya't huwag kakabahan,
ang takot ay tanggalin
sa isipan,
sapagkat...
sino ang aasahan?
sino ang kakapitan
ng masang dapat
paglingkuran?
tayo'y mga mandirigma,
unang putok ang hudyat
ng paglaya!
hayaang kumawala
ang pag-aalimpuyos,
hayaang sumambulat
ang igting ng pagsabog,
hayaang maghumindig
ang galit sa mga ugat,
sapagkat,
sa oras ng pagtutuos
matitikman nila
ang hapdi at bagsik
ng ating unang ulos!
Miyerkules, Nobyembre 24, 2010
Biyernes, Nobyembre 12, 2010
'PAGKAT MASA ANG NAGTAKDA
Katulad ng tigatik ng ulan
marahas ang landas
sa tuwid na daan;
bumabaon sa balat
hanggang sa kalamnan
ang talim ng bawat patak;
sumisigid hanggang ugat,
dumadaloy hanggang utak
ang sambulat ng alimpuyos
at paglalagablab!
Marahas ang landas
sa pagtutuwid;
katulad ng pagliliyab
ng mga talahib
ang sidhi at alab
ng namuong galit,
marahas itong katulad
ng pagsabog ng bulkan,
iniipon sa kaibuturan
ang tining ng ganting-kalupitan
sa ragasang maghahawan
nitong imbing kabuktutan.
marahas ang kumpas
ng paghihimagsik,
pinag-isang lakas ang uunat
sa katwirang malaon ng pinilipit,
guguho ang bantayog
ng mga baluktot,
kikitilin ang mga balakyot,
uusigin kahit saan magsuot
ang maraming naging asal-hayop,
lalamunin ng takot
ang mga salanggapang,
lilipulin ang mga anay at bukbok
ng lipunan,
'pagkat masong dadagundong
ang sigaw ng katarungan,
'pagkat karit na matalim
ang haplit ng kahatulan!
marahas ang talunton
ng pakikidigma!
'pagkat masa ang nagtakda;
inutil ang mga habag pati awa,
walang dasal na didinggin,
mapipipi ang mga panalangin,
langit-lupa ay papupulahin
ng dugong sumisirit
sa ginilit na lalamunan
at inurakang katawan...
'pagkat masa ang nagtakda;
marahas,
madugo,
ang daan sa paglaya!
marahas ang landas
sa tuwid na daan;
bumabaon sa balat
hanggang sa kalamnan
ang talim ng bawat patak;
sumisigid hanggang ugat,
dumadaloy hanggang utak
ang sambulat ng alimpuyos
at paglalagablab!
Marahas ang landas
sa pagtutuwid;
katulad ng pagliliyab
ng mga talahib
ang sidhi at alab
ng namuong galit,
marahas itong katulad
ng pagsabog ng bulkan,
iniipon sa kaibuturan
ang tining ng ganting-kalupitan
sa ragasang maghahawan
nitong imbing kabuktutan.
marahas ang kumpas
ng paghihimagsik,
pinag-isang lakas ang uunat
sa katwirang malaon ng pinilipit,
guguho ang bantayog
ng mga baluktot,
kikitilin ang mga balakyot,
uusigin kahit saan magsuot
ang maraming naging asal-hayop,
lalamunin ng takot
ang mga salanggapang,
lilipulin ang mga anay at bukbok
ng lipunan,
'pagkat masong dadagundong
ang sigaw ng katarungan,
'pagkat karit na matalim
ang haplit ng kahatulan!
marahas ang talunton
ng pakikidigma!
'pagkat masa ang nagtakda;
inutil ang mga habag pati awa,
walang dasal na didinggin,
mapipipi ang mga panalangin,
langit-lupa ay papupulahin
ng dugong sumisirit
sa ginilit na lalamunan
at inurakang katawan...
'pagkat masa ang nagtakda;
marahas,
madugo,
ang daan sa paglaya!
Martes, Nobyembre 9, 2010
'PAGKAT HABAG AY 'DI SAPAT
Sapagkat 'di sapat ang habag,
hindi prusisyon ang paglalagalag
sa pusod ng kalungsuran
at kabundukan;
bawat hakbang,
bawat yabag,
bawat usad,
ay panata sa pambansang
pagmumulat,
humahampas ang alon
ng pagbabalikwas
sa lawak ng sambayanang
inaapi't hinahamak
Huwag tayong umasa sa habag;
walang saysay at inutil
ang pag-amot ng awa,
malaon nang itinuring
na tayo'y mga timawa
ng uring nagsasamantala,
pinupulbos ng gutom ang sikmura,
binubusalan ang bunganga,
binabaunan ng tingga
ang dibdib ng lupa;
ng mga sumabog na bao ng ulo,
ng mga dugong kinulapol sa mukha,
ng mga babaing ginahasa,
ng mga manggagawang kinukuba,
ng mga magsasakang pagal na ang araro,
ng mga estudyanteng ulit-ulit inatado;
isang bigwas sa katinuan
ng bawat pagkatao,
alipinin,
busabusin,
habambuhay gawing gago!
At dahil 'di dapat umasa sa habag,
nakakalat kaming naghahasik
ng mutya ng pagkakapit-bisig;
talisman ng pag-oorganisa
sa kanugnog na bayan,
sityo at kaparangan
ang talim ng mga kamulatan;
agimat sa lansangan
ang pag-aabre-siete
sa nagmumuntik-muntikanang
piketlayn...
hindi iniinda ang mga hambalos,
manhid na ang katawan
sa mga pasa at galos,
at kahit 'di na mabilang
ang nawala at dinukot;
hindi kami mauubos,
puta-putakting naririyan, sumusulpot
sa panahong ginigimbal ng takot,
sa sandaling pinaaasa sa wala,
sa oras na 'di malimusan ng awa!
'Pagkat habag ay 'di sapat;
bawat isa'y mag-aarmas
ng pinagsama-samang lakas,
kapangyarihang magbubuwal
sa bulok na estado,
at wawakas sa mahabang panahong
panloloko...!
'pagkat baya'y 'di na dungo!
kikilos tayong isang kolektibo,
marahas ang landas
sa pambansang pagbabago!
hindi prusisyon ang paglalagalag
sa pusod ng kalungsuran
at kabundukan;
bawat hakbang,
bawat yabag,
bawat usad,
ay panata sa pambansang
pagmumulat,
humahampas ang alon
ng pagbabalikwas
sa lawak ng sambayanang
inaapi't hinahamak
Huwag tayong umasa sa habag;
walang saysay at inutil
ang pag-amot ng awa,
malaon nang itinuring
na tayo'y mga timawa
ng uring nagsasamantala,
pinupulbos ng gutom ang sikmura,
binubusalan ang bunganga,
binabaunan ng tingga
ang dibdib ng lupa;
ng mga sumabog na bao ng ulo,
ng mga dugong kinulapol sa mukha,
ng mga babaing ginahasa,
ng mga manggagawang kinukuba,
ng mga magsasakang pagal na ang araro,
ng mga estudyanteng ulit-ulit inatado;
isang bigwas sa katinuan
ng bawat pagkatao,
alipinin,
busabusin,
habambuhay gawing gago!
At dahil 'di dapat umasa sa habag,
nakakalat kaming naghahasik
ng mutya ng pagkakapit-bisig;
talisman ng pag-oorganisa
sa kanugnog na bayan,
sityo at kaparangan
ang talim ng mga kamulatan;
agimat sa lansangan
ang pag-aabre-siete
sa nagmumuntik-muntikanang
piketlayn...
hindi iniinda ang mga hambalos,
manhid na ang katawan
sa mga pasa at galos,
at kahit 'di na mabilang
ang nawala at dinukot;
hindi kami mauubos,
puta-putakting naririyan, sumusulpot
sa panahong ginigimbal ng takot,
sa sandaling pinaaasa sa wala,
sa oras na 'di malimusan ng awa!
'Pagkat habag ay 'di sapat;
bawat isa'y mag-aarmas
ng pinagsama-samang lakas,
kapangyarihang magbubuwal
sa bulok na estado,
at wawakas sa mahabang panahong
panloloko...!
'pagkat baya'y 'di na dungo!
kikilos tayong isang kolektibo,
marahas ang landas
sa pambansang pagbabago!
Martes, Nobyembre 2, 2010
AMBON
Higit akong mapalad;
sa anumang ulan,
sa anumang unos,
sa anumang bagyong matatawag.
ambon lamang akong
minsanang pumatak;
nanuot sa puyo mo
pati sa bumbunan
hanggang ikaw ay sininat;
nang di mo pansinin,
nangangaligkig kang
tila nagliliyab na apoy
ang lagnat;
nagdedeliryo kang
nang mahimasmasan
ako ang kayakap!
sa anumang ulan,
sa anumang unos,
sa anumang bagyong matatawag.
ambon lamang akong
minsanang pumatak;
nanuot sa puyo mo
pati sa bumbunan
hanggang ikaw ay sininat;
nang di mo pansinin,
nangangaligkig kang
tila nagliliyab na apoy
ang lagnat;
nagdedeliryo kang
nang mahimasmasan
ako ang kayakap!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)