tiwarik na't sala-salabat
ang bawat hibla ng aking utak;
'wag mo akong gawing gunggong
sa 'sang kilo ng galunggong
baka sa gutom ko, bulate sa sikmura'y
magrebolusyon!
nagkakalyo na ang daliri
sa kasusulat;
bakit ipipilit ang bagay na 'di ko
matanggap gayung mas masarap
ang bitsu-bitso kaysa hamburger,
'wag mo kong takamin;
baka kung malason ay malimutan ko
kung sa'n ako galing!
nagtitiim-bagang ako;
pangisi-ngisi ka't patawa-tawa
habang si ama'y lawlaw na ang
itlog sa kakakayod;
pingkaw na ang gulugod
ni inang kuskos piga sa paglalaba
habang ako nama'y humihingi
nang pangmatrikula;
at sa akademya; pilit isinuksok
sa sintido-komon na mas masarap
ang hamon kaysa bagoong...!
dinudugo na ang aking isip;
madugong-madugo...
pinakikirot ng haplit ng pagbabago
pilit inapuhap ngunit 'di matanggap
nang pang-unawa kong unti-unti ng nababakbak
nakakainsulto; hinila-hila mong
may tali sa ilong patungo
sa pagsulong mong paurong;
ngunit 'wag ka, malapit ng mahinog
ang panahon at ang t-shirt kong
kakukula pa lang sa kaputian
ay papupulahin ng wakas
nang pagtitiim-bagang...!
Biyernes, Hunyo 18, 2010
Martes, Hunyo 15, 2010
SA BAGONG UMAGA
nagliliwaliw ang mga tingin
at sulyap sa aking harapan,
parang panang binabanat
ang palaso ng pagkasuklam
sa pintig ng mga titig;
waring pagkakamit ng pangarap
ang pag-iral ng pag-irap
sa galit na namumuo sa dibdib
sa pagkamuhing kumikitil,
bumubulag sa pag-ibig.
malamig na yelo ang bulong ng pagsamo
ang init ng ulo ay pumapaso
sa konsensyang pinakalma
ng bulalas na pagluha;
saan hahanapin ang habag at ang awa?
nakikipaghabulan ng tawaran
sa timbangan ng parusa at kapatawaran
ang tulad ng maraming inuusig ng nagdaan;
nakikipagtakbuhan sa katatawanan
ang mga payasong nagpinta
ng putik sa mukha;
sa entablado ng pusalian
naglulunoy ang mga doble-karang
mukha ng maasim na balimbing...
minsa'y pinapayapa rin ng asim ang pait
gaya ng pagtatakip at paglulubid
ng buhanging humihilam
sa napuwing na mata;
binabarena ang sintido ng konsensya,
nagpapangilo sa 'di maikagat
na ngipin ng dignidad...
may sugat na nga ang mga pangarap
huwag sanang nakawin pa
ang katiting na pag-asa
sa palahaw at pag-uha
ng musmos at sanggol;
huwag sanang gimbalin pa
ng hibik ng isang ina
ang himig ng isang
pinapaos na oyayi;
sa tatlong gulong ng kariton
ikinahon ang init na humahalik
sa pag-asang dinapuan ng panlalamig,
nakatutulig ang sumbong ng panahon
hindi kayang supilin sa dahas ng hinahon...
nilulumot ang mukha ng mga pangako,
ipinako sa limot tulad sa
huklubang nag-uulian,
nakatanghod sa kinakalawang
na gunita habang inaantabayanan
ang saklot ng pag-aagaw dilim,
o, anong talim ang pangil
ng mga panunumbat!
sumasambulat ang liwanag
sa singit-singit na guwang
na pumapagitan sa lilim
ng puno ng talisay,
hindi kayang takpan ng dahon
ang pangahas na araw,
pumapaso sa batok ng lupa,
nanunuot sa kalamnan,
nagpapaapoy sa kaluluwa...
nasa bingit ng kalbaryo ang katiwasayan
matatalim na tibo
ang mga aninong nanunudyo
sa katanghaliang tapat,
mag-aagaw buhay ang pag-aagaw dilim,
hindi na rin hahapon ang mga ibong maya,
magigimbal sa gambala't
babala ng bagong umaga...!

Huwebes, Hunyo 10, 2010
ELARTI
maglakbay tayo sa pagitan ng lupa't kalawakan
gaya ng paggapang ng mga higad
sa daraanang ang haligi'y itinundos
sa dibdib ng lupa;
bitukang nakalundo't ibinitin
sa himpapawirin,
paroon at paritong paglalakbay,
kaluluwa tayong maglalagalag
sa kandili ng walang katapusang
maghapon at magdamag...
humihingal ang mga paa sa bawat hakbang,
nag-uunahan ang maraming anino
sa pagpanhik-panaog
at paglabas-masok ng 'di
mabilang na baytang ng mga hagdan;
at mga pintuang tinatanghuran
ng mga unipormadong gwardiya...
prusisyon ng ambisyon
ang bawat istasyon,
nagkukumahog ang lahat
sa pag-abot sa pangarap,
naniniguro sa walang
kasiguruhang hinaharap...!
mula sa itaas
ay tumingin sa ibaba,
ang mga tao ay tila mumo
ng kaning nagkalat sa lupa,
at ang mga sasakyan ay tila
mga langgam na nag-aarimuhan
ng mga pasaherong maisasakay;
idinidighay ng lupa ang mga alimuom,
sumusurot sa ilong at sikmura
ang singaw ng natutuyong ambon
at dito sa itaas
malamig ang aircon
na nakikiramdam kung sinong tatalilis
upang magpaupo sa nakatayong buntis...
masarap din namang
paliparin ang isip;
sa layo ng paroroonan
kumakaway ang alaala at nagdaan,
nakikiharot ang guniguni
sa bawat namamasid...
bawat pasahero't tinatapunan ng titig;
baka ka ko'y dati silang kakilala
o naging kaklase noon sa eskwela...
o kung 'di man ay makikiusyoso
sa biruan at lambingan
ng dalawang magsimpuso;
hawak-kamay silang nakatayo
nakatunghay sa malayo at
kung minsa'y hahagikhik
sa maharot na pagsuyo...
at sa isang iglap
tumunog ang cellphone
ng aking katabing
naka-earphone;
magugulat ang ilan
kabilang na ako
lalo na ang matandang nagrorosaryo
ay! ano na nga ba ang misteryo?
ngayon ay Lunes, Misteryo ng Tuwa
ngunit may kalbaryo
ang gatla sa mukha
meron bang Luwalhati
ang bawat pagpapanggap
kung puro kadiliman
ang Misteryo ng Liwanag?
walang katiyakan
ang bawat paglalakbay
bawat pasahero ay may pupuntahan
ngunit walang katiyakan
ang paroroonan...
sa ilusyong naririnig ng ating tenga;
"ang susunod na istasyon ay V. Mapa"
'wag isiping ito na ang katakdaan
'wag isiping hanggang dito na lang;
hanggang saan magwawakas
ang walang katapusan,
kung sa dulo ay naroon
ang inumpisahan...!

Biyernes, Hunyo 4, 2010
"Simpleng Pangarap"
Sanaysay ni: Arlan Manalon Camba
Naisip ko naikwento na kaya ng tao ang lahat ng kwento sa mundo? Nabulatlat na kaya ng tao ang lahat ng misteryo ng sandaigdigan? Naisip na kaya niya ang hindi pa niya naiisip? Natuklasan na kaya niya ang hindi pa niya natutuklasan? Ano pa kayang bagay ang hindi pa naaabot ng karunungan ng tao?
Sa pakikinig ko sa isang namayapa ng broadkaster na nagbrodkas ng kahusayan ng "pitu-pito" at cleansing diet at ang epekto ng pyramid kapag ipinatong ito sa bumbunan; ang karunungang hindi pa raw nagagawa o naaabot ng tao ay ang tapusin niya ang lahat ng kurso sa mundo. Wika niya, wala pang tao sa kasaysayan ang nagawang magkaroon ng diploma sa halos lahat ng larangan ng karunungan.
Imadyinin mo, isa ka nang ganap na doktor. At hindi lamang basta doktor; nagpakadalubhasa ka sa panggagamot ng mata, ilong, tenga at bibig. Minaster mo ang larangan ng internal medicine. Kabisado mo ang pasikut-sikot sa laman-loob ng tao. At hindi lamang 'yan, dahil ikaw rin ay isang neuro-surgeon, kayang kaya mo ang magbiyak ng bungo at tistisin ang napakasensitibo at napakamaselang himaymay ng utak. Tinapos mo ang kursong ito with flying colors sa isang kilalang medical school sa labas ng bansa. At hindi lamang 'yan, isa ka ring full-pledge nurse. Sarili mo ang katu-katulong mo sa pag-oopera ng iyong mga pasyente. Bongga 'di ba...?
Ikaw na rin ang nagtitimpla ng mga gamot na inirereseta mo sa 'yong mga parokyano. Kasi naman, isa ka ring lisensyadong pharmacist at chemist. Ibitin ka man patiwarik, perfect mo ang ganoon at ganitong formula. Saulado mo ang freezing at boiling point ng iba't ibang klaseng chemicals. Sa katunayan, madalas kang maimbitahan bilang ispiker sa mga International Conferences pagdating sa science. Eh, bakit naman hindi? Eh isa ka ring well-renown scientist. Nakuha mo ang iyong pagkaduktorado sa larangan ng mathematics, physics, biology, botany, zoology, genetics at engineering. Kamakailan lang nga ay ginawaran ka nang natatanging pagkilala ng National Aeronautics and Space Administration o NASA dahil sa iyong pambihirang kontribusyon sa larangan ng space science.
At oo; isa ka ring astronaut. Dagdag sa iyong naiambag ay ng tangkain mong puntahan gamit ang dinisenyo mong space shuttle ang proxima centauri; ang bituing malapit sa mundo kasunod ng araw. Piloto ka rin. Side-line mo ang pagpapalipad ng eroplano Domestic o International flight man. Bahagi ka rin ng elite forces na nanguna sa opensiba laban sa mga Iraqui ni Saddam noong kasagsagan ng Operation Desert Storm. Tama, isa ka ring sundalo. Isang distinguished coronel sa ilalim ng tanyag na Navy Seal.
Nang magbuhos ng kahenyuhan ng langit ay pinalad kang masalo mo ang lahat. Dahil bukod sa propesyon na nabanggit, nagpakadalubhasa ka rin sa propesyon ng pagsisinungaling! Yes, you are also a lawyer by profession. Mantakin mo, minamani mo lang ang lahat ng uri ng batas. Kayang-kaya mo itong paikutin, bilugin, ituwid ang baluktot at baluktutin ang tuwid. Gamay na gamay mo ang mga pasikut-sikot lalo na sa larangan ng International Law. Matunog ang iyong pangalan pagdating sa mga diplomatic relations sa iba't ibang nasyon sa mundo. Eh, bakit hindi? Bukod sa pagiging de-kampanilyang abogado at de-kalibreng political scientist; napapakinabangan mo rin ang mga natapos mong degree sa sociology, cultural anthropology, history at economics. 'Wag nang isama rito ang kinagigiliwan mong libangan at ito ay ang magsalita at makipag-usap sa iba't ibang lenggwahe at i-analyze ang etymology, phonology, morphology at syntax ng mga lenggwahe sa mundo. Lintik... polyglot na nga lingguist pa!
Hindi lang 'yan, natapos mo rin ang Master's Degree sa Public Administration kasabay ng pagkakamit ng titulong Doctors of Education at Doctors of Philosophy. Wala nang paglagyan ang mga titulong nakakabit sa iyong pangalan. At hindi lamang d'yan natatapos ang lahat, dahil sa hangarin mong maging ganap ang iyong mga pangarap, niyakap mo at tinanggap ang tawag ng bokasyon ng PAGPAPARI; sapagkat naniniwala kang ito lamang ang paraan at katubusan sa kahangalan ng sangkatauhan...
Kung bibilangin mo ang dekada, taon, araw, oras at minuto na iyong gugugulin para matapos ang lahat ng karunungang ito siguradong ito na ang literal na pagsusunog ng kilay. At tinitiyak kong hindi lang basta kilay ang masusunog o kung hindi man masunog ay siguradong mamumuti na ang lahat ng buhok mo sa katawan para lamang mapagtagumpayan ang lahat ng propesyong ito. Ilang lapis, bolpen, notbuk at papel ang makukunsumo para lagakan ng mga impormasyong napag-aralan? Ilang quizzes, exams, projects at recitations ang dapat ipasa para ang lahat ng ito ay mapagtagumpayan? Magkanong halaga ng kwarta ang uubusin para matustusan ang pag-aaral? Anong uri ng sakripisyo ang pagdadaanan para makamit ang lahat ng ito?
Malamang kaysa hindi; limang pulgada na ang salamin mo sa mata ay wala ka pang natatapos ni isa sa alin mang propesyon na nabanggit. Baka malimutan mo na rin ang maligo at magsuklay. Baka pati ang paghihinuko ay malimutan mo na rin. Baka sa sobrang subsob mo sa pag-aaral ay malimutan mo na ang itsura ng 'yong mga magulang, kapatid, kasambahay, kaibigan at pati na ang iyong sarili. Paano na ang personal life? Ang 'yung love life? Ang 'yung social life? Ang 'yung night life? Oh my God... pa'no na ang sex life?
Sadyang ang buhay ay walang katapusang pag-aaral ngunit hindi rin nangangahulugang kailangan mo ang sangkatutak at sangkaterbang diploma para maunawaan mo ang buhay at maintindihan mo kung paano ang mabuhay. Minsan, nagsisilbing pasaporte na lamang ito para sabihing may pinag-aralan ka. Nagiging tatak para ituring kang matagumpay sa maraming taon na iginugol mo sa pakikipagbolahan sa loob ng eskwelahan. Talaga bang solve na ang kahirapan pag natapos mo ang BS at AB courses?
Mahirap kalaban ang gutom at kapag sikmura na ang nagtanong, nabobobo ang isip. Sa mga nagtataasang presyo ng bilihin mula sa langis at kuryente hanggang sa mga basikong pangangailangan ng tao tulad ng tubig, asukal at bigas; ano pang halaga ang may pinag-aralan?
Mahirap ang walang makain at ayaw kong magutom. Bukas, isusugal ko ang aking kapalaran sa pakikipagbalyahan at pakikipagsiksikan sa napakahabang pila para maging studio contestant sa isang game show. Dito, hindi kailangan ang diploma. Hindi ring kailangan ang form 137 at form 138. Wala ring saysay ang transcript of records at wala ring bigat ang dami ng medalya o titulong nakakabit sa pangalan. Gamit lamang ang tigas ng mukha, tapang ng hiya at kapal ng apog; susungkitin natin ang suwerte. Gawin nating puhunan ang pagiging kawawa, ang pagiging mangmang at walang alam. At sapagkat, tayo ang gumagawa ng ating kapalaran nasa ating kamay ang pangarap na jackpot. Kaya nga sa katanungang "pera o bayong," magde-deal ka ba o no deal? Nasa sa'yo ang pagpapasya!
O, ano? GAME KA NA BA?!

Huwebes, Hunyo 3, 2010
SAAN PATUNGO ANG MGA ALITAPTAP
saan patungo ang mga alitaptap?
korona silang nag-aapoy
sa puyo ng karimlan;
munting silab sa pusikit
nagniningas na lagablab
sa kumot ng kadiliman...
ginambala ng antala
ang kanilang pagtalilis,
habang nagtatampisaw
ang mga bulalakaw sa dagat ng gabi,
pangitain itong magdadala
nang delubyo't pagkawasak...
handa na ba ang lupa
sa mga dugong ititigis?
punglo ang hahalik
sa noo ng mga banal;
luluhod ang mga diyos...
sa isip at sikmura ng mga musmos
itataboy ang mga engkanto't laman-lupa,
guguho ang mga nuno sa punso
at ang mga duwende'y tuluyang maglalaho...
saan patungo ang mga alitaptap?
ang mga hamog ay pawis
sa kalangitang tumatagaktak
sa balat ng mundo;
tumitighaw sa natuyo't nahahapong
gulugod ng lupa,
habang nakatarak ang talim
ng araro sa bukiring nililinang;
aawit ang ulan
ng isang kumintang,
mabubulag ang araw
sa pagharang ng buwan,
lalamunin ng dilim
ang pagyuko ng talahib,
sasaklutin ng digmaan
ang napulbos na pag-ibig...!
saan patungo ang mga alitaptap?
napipipi ang mga kwento at alamat
sa 'di maapuhap na pagmumuni
ng binusalang guniguni...
walang maitugon ang mga epiko!
bigo ang bayaning saliksikin
kung sa'n sila patutungo
inutil ang mga bulong
walang saysay ang orasyon
anumang alay at sakripisyo
ang ihain ng huklubang ermitanyo
hindi magigising ang mga anito
mananatili silang nakapikit
hindi sila makikinig
lulusawin ng ligalig
ang awit at mga dalit
hindi masusumpungan
ang mga alitaptap
sa duyan ng bagabag
at mga pagpapanggap...!
saan patungo ang mga alitaptap?
makapangyarihan ang lagablab
ng apoy sa nagliliyab na kaluluwa;
tutupukin ang 'sang uniberso
ng mga berso't talinghaga
ng pakikidigma...
hahalakhak ang makata,
luluha ng dugo ang mga salita,
lalatay ang hagupit ng mga taludtod
sa isip, kaluluwa at katawan;
sapagkat...
bantayan man sa magdamag
ang mga alitaptap
walang pagsisidlan sa kasaysayan
ang katapusan ng lahat-lahat...

Miyerkules, Hunyo 2, 2010
AKONG HINDI TAPAT
itinaboy mo ako
sa ismid ng iyong galit,
walang lingunang humakbang ka
papalayo at iniwan ako
sa kumunoy ng pag-iisa;
lumabusaw sa memorya
ang sumpaang isinumpa,
mga pangakong ipinako,
sa mga salitang itinaga sa bato
nang sa kalauna'y inilista sa tubig
upang 'di pagbayaran
upang kalimutan...
ganito nga nagwakas
ang ating pagtitinginan,
kung pa'no ko tinaga
ang murang katawan ng punong langka
at sa huli ay lumuha
nang puting-puting dagta
ay ganyan ko sinaktan
at pinagsamantalahan
ang iyong kamuwangan...
gaya ng mga alon;
nagpatianod ka sa gayuma
ng mga salita,
nalusaw sa singaw ng dalampasigan
ang iyong katinuan
at wala sa sariling nagpakanlong
sa bulong ng emosyon
at pag-iilusyon...
at ngayon,
nagbunga ng saklap
ang minsanang sarap
at ang luhang 'sing asim ng dayap
ay kirot sa naknak
nang wasak mong kaluluwa;
patuloy na uukilkil ang mga alaala
at gaya ng pamumula
ng mga makopa
nakabitin ka sa sanga
ng walang katiyakan
nilalasap ang aking
mapaklang katapatan...!
sa ismid ng iyong galit,
walang lingunang humakbang ka
papalayo at iniwan ako
sa kumunoy ng pag-iisa;
lumabusaw sa memorya
ang sumpaang isinumpa,
mga pangakong ipinako,
sa mga salitang itinaga sa bato
nang sa kalauna'y inilista sa tubig
upang 'di pagbayaran
upang kalimutan...
ganito nga nagwakas
ang ating pagtitinginan,
kung pa'no ko tinaga
ang murang katawan ng punong langka
at sa huli ay lumuha
nang puting-puting dagta
ay ganyan ko sinaktan
at pinagsamantalahan
ang iyong kamuwangan...
gaya ng mga alon;
nagpatianod ka sa gayuma
ng mga salita,
nalusaw sa singaw ng dalampasigan
ang iyong katinuan
at wala sa sariling nagpakanlong
sa bulong ng emosyon
at pag-iilusyon...
at ngayon,
nagbunga ng saklap
ang minsanang sarap
at ang luhang 'sing asim ng dayap
ay kirot sa naknak
nang wasak mong kaluluwa;
patuloy na uukilkil ang mga alaala
at gaya ng pamumula
ng mga makopa
nakabitin ka sa sanga
ng walang katiyakan
nilalasap ang aking
mapaklang katapatan...!
Martes, Hunyo 1, 2010
TULA SA KISLAP NG BUBOG
tila bubog sa langit
ang kislap ng mga bituin;humihiwa sa magdamag
ang butil-butil na gunitang
gumugurlis sa pusikit na gabi...
sumusugat ang tilamsik
ng mapusyaw na liwanag
humihilam sa mata ng tumitingala
sa kalawakang pinalamlam
ng mga alaalang binusabos
ng pagsasamantala...
huwag sanang lumuha
ng bubog ang langit
at dagdagan ang mga pasakit
nang mga katawang nakapugal sa lupa...
kaya nilang batahin
ang sikat ng araw...
ibilad ang katawan
sa maghapong paglilinang
ngunit hindi ang tanggaping
alipin silang hahalik sa lupa,
hahalik sa kamay
hahalik sa paa
nang nagpapanggap na panginoon
sapagkat walang sinasanto
ang nararamdamang gutom
nang masang inapi
nang masang siniil
nang masang babalikwas
at muling babalikwas
sa mailap na mukha ng pagbabago...
katotohanang walang milagro;
at hindi himala ang pamumulaklak
ng halamang milagrosa;
at walang himalang hindi magagawa
'pag nagbuklod ang masa!
kolektibong pagkilos
sama-samang pakikipagtuos
at kahit lumuha ang langit ng bubog
hindi matatapos ang pakikibaka;
hanggang ang api ay api
hanggang hindi nakakamit
ang katarungang para sa mas nakararami...!
KAWALAN
May tula ang awit
may awit ang tula
may lungkot ang luha
may luha ang tuwa
may hapdi ang sugat
may kirot ang naknak
may pait at saklap
bakbak na pangarap...
mawala wala man
meron rin may wala
wala may meron rin
sa kawalang wala...!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)