Biyernes, Oktubre 15, 2010

HUWAG KANG MAG-IIWAN NG ANUMANG BAKAS SA AKING KATAWAN

At katulad ng nagdaang labanan,
ang katotohana'y sumusugat
sa mapaklang katapatan;
nang sumaksi ang gabi
sa walang habas na paglasap
ng nakalalangong halakhak;
at ang hubad na katawa'y
nagtampisaw sa lugod ng init at lamig,
nakalublob sa daiti ng pag-iisa't pagsasanib
ang mga sandaling paulit-ulit,
inulit-ulit,
hindi lamang isang saglit...

Basta't ang malinaw

batid natin ang orasyon ng pagtatampisaw,
may babalang hindi dapat talikdan
at paalaalang dapat na tandaan;
huwag na huwag kang mag-iiwan
ng anumang bakas sa aking katawan;
mula sa simpleng kurot
hanggang sa pagbaon 
ng kuko mo sa aking likod;
huwag na huwag kang maglalagay
ng anumang tatak sa aking balat,
iwasan ang pagkagat,
iwasang magbabad sa mga bahagi ko
ang malanding dila 
at maharot na labi mo;
ayaw kong magmapa ang pamumula
katulad ng pamumugto ng mga mata
ng isang kaluluwang labis na nag-aalala!

2 komento:

  1. "Huwag Kang Mag-iiwan ng Anumang
    Bakas sa Aking Katawan".....shit! obra maestra..haha..erotikang may saysay at sining....

    TumugonBurahin
  2. Labing isang taon na mula nung naging estudyante mo ako Sir, ito ang kahit kailan ay hinding hindi ko malilimutan na tula mo at dala ko habang buhay. Naukit sa isip at puso ko ang mga sandali na binanggit mo ang tula na to sa aming klase at nagsilbing aral ito upang kahit kailan ay hindi mambabae. Hinahanap at binabasa ko pa rin to magpahanggang ngayon. Mabuhay ang obra mo Sir!

    TumugonBurahin