Linggo, Marso 27, 2011

UNAN

nakasubsob
     lungkot
          tigib ng pagluha,
mahigpit
     yapos
          ng pangungulila
ang lambot-banayad
    sa darang ng pag-iisa,
supilin ng yakap,
     ningas ng himaymay
     sa nauupos na kaluluwa,
sidhi ng natutuyong
     lalamunan
ibsan,
     uhaw ng deliryong
          katawan.

1 komento:

  1. kasiping pala nito ung UNAN sir e, nagets ko na:)
    ---un pala ang ibig sabihin ng KUMUNEKTA...

    TumugonBurahin