sinangag sa init,
utak na lumabi
sa apoy ng ngitngit
salab
darang sa liyab
ng tinupok na katwiran
lohika ng kabobohan
panggigiit
panggigipit
sa tulirong isip
sunud-sunurang
patulak
pakabig!
namimintog,
nahinog na poot
sisinga-singasing
ilong na umusok
may bantang sasabog
sungay na pinungos
suwag ng mga inapi
sidhi
dalisay-payapa
ng paghihiganti!
utak na lumabi
sa apoy ng ngitngit
salab
darang sa liyab
ng tinupok na katwiran
lohika ng kabobohan
panggigiit
panggigipit
sa tulirong isip
sunud-sunurang
patulak
pakabig!
namimintog,
nahinog na poot
sisinga-singasing
ilong na umusok
may bantang sasabog
sungay na pinungos
suwag ng mga inapi
sidhi
dalisay-payapa
ng paghihiganti!
Isang napaka madamdamin na tula ang likha ni Arlan M Camba na pinamagatang "Buryong".Napapaloob ang puot na nadarama sa tula. Maradarama sa bawat kataga ang kinikimkim na galit.
TumugonBurahin