Lunes, Mayo 2, 2011

KLASMEYT

gintong alaala
hagikhik na tinig
     ng kamusmusan,
hagalpak ng ating nakaraan
ay bulong sa puso
     at pagbabalik-tanaw.

walang katulad
ang umpisa ng pagkamulat,
sa malabong larawan
     ng pag-ibig
walang kasing tamis
ang gatas sa ating mga labi,
nang pukawin ng kilig
ang bubot nating damdamin,
nang magtama ang paningin,
nang 'di lang miminsang
     tayo ay tuksuhin,
     kulitin,
     asarin,
     buskahin
     ng mga kamag-aral
     at kaklase.

'di maabot ng malay,
hindi natin talos
na sabihin nilang
     tayo raw ay bagay,
tukso itong dumuro sa puso,
birong nanunudyo,
hipo,
     sa hibo ng pikit pang
     kamuwangan.


saan natin ilalagak
ang mga alaala?
nakipagtaguan tayo
sa ating kapalaran,
nagmataga-taya
sa pakikipaghabulan
sa walang katiyakan,
kung ang nagdaan
     ay nagdaan lamang,
hangin kang humilam
sa kisap ng aking mata,
simbilis nang pagkawala
ang iniwang bigat
ang iniwang tatak
sa husto
sa lapat
sa sukat
ng isang damdaming
     kay hirap ipaliwanag.


at ngayong nagkaedad;
hayaang manatiling musmos
     ang ating pananabik,
hayaang manatiling walang muwang
     ang pintig ng dibdib;
manatili tayong mga bata
sa pagtuklas ng sinasabing
     pag-ibig...!
     

3 komento:

  1. pakiramdam ko, parang elemetary ule ako, naalala ko tuloy ung malapot kong pakikiag-ibigan sa isa kong klasmeyt na babae...M.U. b tawag don, M.U.=MEDYO UN...

    astig toh sir, nays huwan...=)

    TumugonBurahin
  2. Napakasimple man ng pamamaraan ng pagkasulat ng tula, ngunit masasabing napakadali ngang maka"relate" sapagkat lahat ay nagdaan sa ganitong stage ng buhay. Yung pakiramdam ng umiibig sa unang pagkakataon, na wala pang kamalay-malay sa realidad ng buhay at madaling masiyahan sa mga ganitong bagay. Pero kung tutuusin naman, ang ganitong pakiramdam ang tunay na nakakapagpasiya sa atin. Napakagandang tula po!

    TumugonBurahin