Hindi ko alam,
kailan nag-umpisang
ulo mo ay napanot;
kasing dami
nang nagtampong buhok
bantulot ng pakikiamot
at paghihikahos!
binata kang naglamyerda,
naglakwatsa,
sinuso
tingarong utong
ni Luisita
unico hijo ng marangyang pamilya
dinadakila
ama mo
at 'yong ina.
nasaan
hakbang ng pagtutuwid?
kung sa bakuran mo'y
nagngingitngit
bitukang nagsala-salabid
likurang natuyo sa pawis
nangalirang na tuhod at bisig!
binata kang 'di
naging ama;
paano mauunawa
haliging tumimbuwang
sa tama ng bala,
nagbubo ng dugo
sa lupang pinagkait
paano mauunawa
ang mga hinanakit
ng inang nabalo
at ulilang paslit!
sana lang
matuto kang mahiya,
tulad nang mahiya
ang maraming uwak
nang liparin
lupain mong
pagkalawak-lawak!
Pasok na pasok!
TumugonBurahinMay mga ibang salita akong di maintindihan pero yung iba okay naman. Yung iba kasi malalim yung mga tagalog na ginamit.
TumugonBurahinSang-ayon ako sa kaisipan na: BAGO KA MAGSALITA TIGNAN MO MUNA YUNG BAKURAN MO. Syempre naman para pagnagsalita o namuna ka di ka natatamaan sa sinabi mo. Ang kapal naman ng mukha mo at ang manhid mo naman kung di ka natatamaan sa mga sinasita mo.