Sa pagpula
ng mga gumamela
mamumukadkad
sa buhaghag na lupa
nipot na binhi
ng paglaya,
binungkal sa pawis
at dugo
tundos sa kaluluwa't puso
butil ng banyuhay
at pagbabagong anyo,
titindig tayong
'di na dungo
wala nang krus
na pinapasan
wala nang alinlangan
sa payapang pagtitig
sa kalawakan
walang panunumbat
pamimilog ng buwan
at kutitap ng bituin
sa kalangitan;
luhang pumapatak
ang buhos ng ulan
sa mukhang kulapol
ng amoy at sangsang
ng dugong nanuyo
sa biyak na bungo
sa puyo
ng mga tiklop na kamao
iigkas
pag-aalimpuyo
ng hindi masawatang
damdamin
upang diligin
tigisin
ligisin
katasin
ang katawang
magiging pataba
sa matagal nang
nauuhaw na lupa!
'sing tingkad ng dugo
ang pamumula
ng mga gumamela!
Habang binabasa ko itong tula..may mga salitang matatalinghaga na hindi maabot ng mura kong kaisipan ngunit sa patuloy kong pagsusuri sa naturang tula ay nabatid ng aking kaisipan ang paglalarawan ni sir arlan sa buhay ng isang tao. Sinasabi niya, na lahat tayo ay nagmula sa wala, isinilang na walang anuman sa katawan at walang materyal na pagmamay-ari sa buhay. Tayo, bilang isang Pilipino batid natin ang isyu ng kahirapan mula noon hanggan sa ngayong oras na ito, makikita mo ang mga taong nagsasakripisyo ika nga dugo at pawis na ang binigay nila para lang sa ikauunlad ng kanilang buhay maibagay lang ang panganagailangan ng miyembro ng pamilya - isa na dito ang magigiting nating OFW. Mga bayaning handang ibigay ang buhay para sa pamilya- ganito natin sila ilarawan mula ulo hanggan paa. Kung kaya't tayo ang drayber at piloto ng ating buhay,,tayo mismo ang magpapatakbo mapatuwid man o balikong daan ang ating tatahakin, isang pagkakataon lang tayo mayroon kaya gamitin nating nang tama at naaayon sa kagustuhan ng Panginoon. Dahil din sa tulang ito, ay naging motibasyon ko na din sa buhay na kailangan ko mkpagtapos ng pag aaral upang makapaghanap ako ng magandang trabaho at matulungan ang aking pamilya bilang isang anak na may responsibilidad sa kanila.
TumugonBurahin