nagninisnis na
ang pantalong maong
na hinabi ni Ka Gusting
magsasastre;
tatlong taong hinubad-sinuot,
hinarabas nang walang takot
sa paglalagalag sa naghihimulmol
na panahon;
gapok na ang liston,
gatlang pinalalim
ng pagkakataon...
tastas na ang laylayan,
ang sinulid ay nasnas na
sa kapangahasan;
sa pagliliwaliw sa kung saan,
sa pag-iwas sa kalakaran,
sa pagtutop sa lipunan,
tahi-tahing kaisipang
dumupok sa karanasan.
wala nang tingkad ang kulay,
pinangupas ng kabalintunaan
sa buhay;
tahing doble-pasada
unti-unting nagugutay,
ang tahi sa sinturera
unti-unting naluluray;
ni sa pangungupas
ay 'di na makilala ang tatak
ng pagkakakilanlang eteketa!
kupas na nga ang maong
na hinabi ni Ka Gusting;
gaya nang pangungupas
ng aking pagkatao;
ang pantalong maong
na hinabi ni Ka Gusting
magsasastre;
tatlong taong hinubad-sinuot,
hinarabas nang walang takot
sa paglalagalag sa naghihimulmol
na panahon;
gapok na ang liston,
gatlang pinalalim
ng pagkakataon...
tastas na ang laylayan,
ang sinulid ay nasnas na
sa kapangahasan;
sa pagliliwaliw sa kung saan,
sa pag-iwas sa kalakaran,
sa pagtutop sa lipunan,
tahi-tahing kaisipang
dumupok sa karanasan.
wala nang tingkad ang kulay,
pinangupas ng kabalintunaan
sa buhay;
tahing doble-pasada
unti-unting nagugutay,
ang tahi sa sinturera
unti-unting naluluray;
ni sa pangungupas
ay 'di na makilala ang tatak
ng pagkakakilanlang eteketa!
kupas na nga ang maong
na hinabi ni Ka Gusting;
gaya nang pangungupas
ng aking pagkatao;
ng kinamulatan at kinalakihan,ng takbo ng isipan,
ng likaw ng bituka
at kulay ng hasang...
natatakot akong bukas makalawa
na ang sarili ko ay 'di ko na makilala!
at kulay ng hasang...
natatakot akong bukas makalawa
na ang sarili ko ay 'di ko na makilala!
Ganda naman sir.. di ko inexpect ung sa ending.. un pla un.. :)
TumugonBurahinSa totoo lang po di ko naintindihan sa unang pagbasa ko pero kalaunan nakuha ko na ang tunay niyang simbolo at kung bakit po inihalitulad sa isang kupasing maong, ang buhay ng tao sa tula. Ito pala ay tungkol isang taong walang pagmamahal sa sariling bayan na sa paglipas ng panahon ay kanyang ng nalilimutan ang bayang kanyang kinalakihan. Na para bang wala na syang pakialam sa bayang kanyang pinag mulan at kanya niang niyakap ang mundong kanyang ginagawalan sa ngayon .
TumugonBurahin-- ang ganda po ng tula niyo :D sana tama po pagkakaintindi ko sa pinahihiwatid niyo po :D
GOD BLESS PO :D