Muli't muling mananariwa
ang mga alaala,
sa silid na itong
naging piping-saksi
sa ating pag-iisa;
sandaling ninakaw
ang bugso ng bawat
mga buntong-hininga,
sinalo ng singhap
ang ulos ng ating
mga nasa't pita...
hangga't maaari'y
ayaw mo nang matapos
ang gabi;
at walang magawa kundi
siilin ko ng pamamaalam
ang'yung mga labi;
niyakap mo ako
sabay ng pagluha't
madamdaming hikbi
at nagpaubaya sa
lamig at init
ng ating pagkasi!
luhaan ang silid
nang kita'y iwanan,
sa akin pa kaya'y
may ngiting susungaw
ang kinabukasan...?
Ang tulang ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin tungkol sa pangungulila. Ang paglayo sa taong minahal mo ng sobra. na mabuhay sa araw arawng wala ang taong nakasanayang kasama sa buhay. Masakit. Ang nadarama koy bigat ng damdamin.
TumugonBurahin