Gumugulong
ang bato,
dinarang
sa apoy,
kumulo,
nalusaw,
natunaw
na parang
likido;
gumuhit
ang bato,
nagkanal
sa poyl,
umusok,
parang asupre
ngunit walang
amoy,
hininga'y
hinugot
sinipsip
ang usok;
dumaloy
ang usok
sa tuter;
lumagos
sa bibig,
ninamnam,
sumigid
sa utak
kasabay
ng isang
mahinang
anas;
solb!
Ang maikling akda ay tungkol sa kung paano ginagamit ang "shabu". Kung susuriin ang paglalarawan ng akda sa paggamit nito, ito ay madali lamang ngunit ang mga suliraning dinaranas ng mga taong lulong dito ay hindi madali. Ang madalas na dahilan ng mga tao sa pagkalulong dito ay upang kalimutan ang mga problema nila sa buhay, kadalasan ay kahirapan o tungkol sa pamilya at iba pa, kaya naman sinabi sa dulong bahagi ng akda ang "solb!" dahil habang ikaw ay nasa impluwensya nito, para bang ikaw ay nasa ibang mundo na malayo sa gulo, malayo sa realidad na puno ng sakit at problema. Ito ay isang droga na tinatawag ding "Poor Man's Cocaine" dahil mas mura ito kumpara sa ibang uri ng droga. Ang shabu o "methamphetamine" ay nagdudulot ng pagbagsak ng timbang at kalusugan ng tao hindi tulad ng mga mamahaling droga na pareho lamang ang binibigay na level ng pagkabangenge o pagiging "high".
TumugonBurahin