sa mundo;
at ang gabi'y binabalot
ng misteryo,
kaluluwang nagtampisaw
sa saya...
puti ang bula ng serbesa
itim ang kulay ng umaga!
nagsayaw ang mga kalapati,
naglaway ang mga buwitre!
nakiharot sa pag-indak
sa alindog ng gabi,
nakitawa sa halakhak
ng magdamag;
habang binabata
ang pait ng luha
ng sanlaksang paghihirap!
Ang tulang ito ay naglalarawan sa mga taong nabubuhay sa gabi. Ngiti, halakhak at mga indayog ang iyong matutunghayan sa unang tingin, sila'y binansagang magdalena na nagpapaligaya para sa isang gabi. Masaya man sila't palagiang nagdiriwang ngunit lingid sa kaalaman natin ang tunay nilang saloobin, kanilang susuungin ang lahat mabuhay lamang. ITO, ITO ang Reyalidad ng BUHAY.
TumugonBurahinNais kong bigyang papuri ang awtor ng tula. Ito ay masasabing isang sensitibong paksa upang buksan at talakayin. Inilarawan niya ang tula sa paraang may talino at respeto sa bawat panig - sa mambabasa at sa tinutukoy. Idinaan niya ang iba sa malalalim na pagpapahayag upang mas maintindihan sa paraang tanggap. Tunay na ito'y isang matalino at matapang na hakbang na buksan at talakayin ang ganitong uri ng paksa.