Dahil
wika
ay
wika ng katuwiran,
wika
itong bukambibig
ang
katarungan,
umuusal
ng totoo,
tapat
sa dilang matapat,
hindi
huwad,
hindi
mapagpanggap,
hindi
sala-salabid
kung
mangusap.
Dahil wika
ay
wika ng katuwiran;
sumusugat
ang
talim ng salita,
dilang
nagsaysay,
nagsalaysay
ng
katotohanang
itinago
inilihim
sa
nilansing kamalayan;
mayro’ng ganti ang kasaysayan;
dahil
wika
ay
wika ng katuwiran…
Katapatan
ay
saan sinusukat?
kaya
ba may busal
ang
bibig?
kaya
ba may piring
ang
mata?
kaya
ba pinupugto
ang
hininga…?
ay
upang pigilin
upang
sikilin
upang
saklutin
ang
nagdudumilat na totoo;
ng
balighong lipunan,
ng
hilahod na mamamayan,
lupaypay
sa hirap
buhay
ay wakawak
sa
dinuraang dangal;
sakal…
ng baluktot na hustisya
ngudngod…
sa
pagsasamantala
subsob…
sa
pambubusabos
bugbog…
sa
paulit-ulit,
inulit-ulit
na
pandadagok!
At dahil ang wika
ay
wika ng katuwiran,
wika
ang tutuwid
sa
baluktot na daan;
wika
ang landas
sa
kamulatan,
sa
katotohanan,
sa
katarungan,
masinsing
sisinsil
sa pambansang kamalayan
sa pambansang kamalayan
at
pagkakakilanlan!
At
dahil ang wika
ang
daang matuwid;
wika itong
wika itong
maririnig
mauulinig
sa pinakasuluk-sulok
sa pinakasuluk-sulok
sa
pinakakanugnog
na
mga sityo
baranggay
at baryo
bayan
at munisipyo
hanggang
sa lawak
ng
estado,
ang sigaw ng mga panawagan,
ang sigaw ng mga panawagan,
ang
dagundong ng mga pagkilos,
ang
alingawngaw ng mga protesta;
hagupit
ng dila
ay
latay sa konsensya,
talim
ng salita
ay
sugat sa budhi,
talas
ng bibig
ay
urak sa pagkatao…
totoo…
marahas
ang hakbang
sa
pagbabago,
matinik
matinik
ang
landas ng pagtutuwid
minsa’y
nababalaho,
minsan
ay madugo,
mayro’ng
masasaktan,
may
masasagasaan,
walang
pagtatakpan…
at dahil ito ang katuwiran,
walang
sinumang
mangangahas
na maglubid
ng
sagitsitang
nagsala-salabid;
kung
hindi’y mabubulid
sa
hatol ng wika
sa
pataw ng dila
at dahil
at dahil
ang
wika ay katuwiran
may
isang salita
ang
katarungan
ang
kaunlaran
ang
kapayapaan
sa
pagbabalikwas
ng
sambayanan…!
Sa titulo pa lamang ng tula ay nabatid ko na ang nais iparating nito sa mambabasa dahil hindi ito gumamit ng mga mabulaklak na salita.
TumugonBurahinPagdating naman sa nilalaman ng tula,naging malikhain ang nagsulat dahil sa mga 'di lantarang mga salitang ginamit. May ibang 'di ko masyadong naintindihan ngunit nabatid ko pa rin ang kabuuang diwa nito.
Ang wika ay wika ng katuwiran, tinatalakay nito ang mga nangyayari sa lipunan. Mga kabaluktutan sa lipunan, sang-ayon ako sa isiniwalat na mga ideya rito.
Ang pinataka tumatak na taludtod sa'kin ay ito:
At dahil ang wika
ay wika ng katuwiran,
wika ang tutuwid
sa baluktot na daan;
wika ang landas
sa kamulatan,
sa katotohanan,
sa katarungan,
masinsing sisinsil
sa pambansang kamalayan
at pagkakakilanlan!
Sa taludtod na 'yan,para sa'kin matatagpuan ang nais iparating ng tula,na sa kabila ng talamak na kabaluktutan sa lipunan ay naririyan ang wika na tutuwid sa pag-iisip ng mamamayan para sa mabuting kinabukasan.
Vanessa T. Duran
BSHRM 4-1D