Umuusig ang palatak
sa nabibinging konsensya,
waring hinahasa ang nagngangalit
na ngipin sa askad ng kagat
ng tiniis kong damdamin;
may binubong asin
nang iyong sariwain ang langib
sa sugat ng ating nakaraan.
Hindi na ba hihilam
dalisdis ng luha?
nang minsan mo kong saktan,
nang minsang magkasakitan,
nang minsang magsumbatan
sa mga alaalang
pumupulbos sa dibdib
nang-uusig na hinanakit
talusirang pag-ibig!
hindi pala sapat ang kapatawaran
ang paglayo ay pag-anyaya
sa kapanatagan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento