itinaboy mo ako
sa ismid ng iyong galit,
walang lingunang humakbang ka
papalayo at iniwan ako
sa kumunoy ng pag-iisa;
lumabusaw sa memorya
ang sumpaang isinumpa,
mga pangakong ipinako,
sa mga salitang itinaga sa bato
nang sa kalauna'y inilista sa tubig
upang 'di pagbayaran
upang kalimutan...
ganito nga nagwakas
ang ating pagtitinginan,
kung pa'no ko tinaga
ang murang katawan ng punong langka
at sa huli ay lumuha
nang puting-puting dagta
ay ganyan ko sinaktan
at pinagsamantalahan
ang iyong kamuwangan...
gaya ng mga alon;
nagpatianod ka sa gayuma
ng mga salita,
nalusaw sa singaw ng dalampasigan
ang iyong katinuan
at wala sa sariling nagpakanlong
sa bulong ng emosyon
at pag-iilusyon...
at ngayon,
nagbunga ng saklap
ang minsanang sarap
at ang luhang 'sing asim ng dayap
ay kirot sa naknak
nang wasak mong kaluluwa;
patuloy na uukilkil ang mga alaala
at gaya ng pamumula
ng mga makopa
nakabitin ka sa sanga
ng walang katiyakan
nilalasap ang aking
mapaklang katapatan...!
Keep up the good work Sir Arlan....................., nakakamissss ang mga tula nyo...., it's agood thing you created a blog like this......., for sure i'll watch out for more..............., hheheheheh
TumugonBurahinnice one Sir........., sana marami ka pa i-post d2................:D
TumugonBurahinWoohoo........, ang galeng naman ng Blog na ito...., sigurado ako marami ang magigising sa kawalan..............at kamuwangan.............
TumugonBurahinnaks! idol tlga...
TumugonBurahin