Dapat…
ang tula
kapag bumabanat,
talinghaga’y
hindi laging
gomang binabatak;
o
lotion
na pampahid sa balat,
hindi
laging banayad;
dapat
sumusugat,
dapat
tumatarak!
ang
tula
kapag
magmumulat;
ang
dapat
sa salita’y
may bayag,
hindi
titi
na titigas-tigas
o
lampang salitang
nag-aangas-angas!
hindi
kinakapon
ng ilusyon
o
dilang salitang
humihimod-puson;
dahil
ang tula’y
pagsasalsal
ng prinsipyo;
at
bawat makata’y
tingarong
tarugo!
umuulos tayo’t
bumabayo…
upang
magbuntis
ng
pagbabago!
Para sa akin, ito ay isang magandang tula na magpapalawak ng ating kaisipan at magbibigay-aral sa ating kasalukuyang henerasyon.
TumugonBurahinSa aking pagkakaintindi, ipinahihiwatig dito ng may-akda na sa panahon ngayon, ang mga tula ay dapat gamitan ng mga salitang tatatak at tatagos sa mga puso at kaisipan ng bawat isa. Sa panahon ngayon ng modernisasyon, ang mga tao ay mulat sa iba't-ibang bagong bagay at gawain. Tulad nito, kailangan ding lumikha ng tulang sasabay sa makabagong sibilisasyon ng mga tao.
Ang tula ay dapat na maging lantad sa katotohonan na dapat makatawag pansin sa sinumang magbabasa nito. Dapat ito ay may kabuluhan, straight to the point at yung tipong maiintindihan ng mga nagbabasa. Dapat ang tula ay makatotohanan na naaayon sa panahon natin ngayon. Dapat gumamit ng mga salitang magbibigay diin sa problema at suliraning kinakaharap ng bayan natin. Dapat ang tula ay may pinanghahawakang katotohanan sapagkat ito ang pagmumulan ng prinsipyo nito. Walang silbi ang isang tula kung hindi nito naipararating sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
ANG DAPAT ay lumikha ng mga tulang gagamitan ng mga salitang may diin, lakas at kapangyarihang makagigising sa natutulog na mga diwa, nagbibingi-bingihang mga tenga at nagbubulag-bulagang mga mata ng mga Pilipino.. ng sa ganoon ay magkaroon ng hinahangad na pagbabago sa ating bansang Pilipinas! :)
^_^