Kung
wala ‘lang
‘di
na sana binasag
ang katahimikan;
tinikom
ang bibig,
sinupil
ang puso
nang ‘di nanghinayang;
huli
na ang lahat,
at
‘di rin maampat
ang
tarak ng sugat
ng ginawang pagtatapat!
Kung
wala ‘lang,
huwag
isisi sa panahon
kung
bakit ngayon lang
‘di ikinubli ang hinahon;
minsan
ka ring lumigaya,
at
di rin miminsang
hindi mo pinansin
akong umaasa…
ano
pa ang saysay
ng
katagang “sana”?
wala
na…
wala
na…
ikaw
na nariyan
at
akong narito;
pinaglayo…
lumayo…
palayo
nang palayo…
na
kailan man
ay ‘di na magtatagpo;
bakit
‘di mo maitago?
na
kung wala na
kung
wala man,
kung
wala ‘lang,
bakit
ngayon
ka nasasaktan?
Ugh, relate, sir! :D
TumugonBurahinAng lalim~ Pero ang pagibig nga talaga, nakakapagbago ng tao. kaya tayo nakakagawa ng mga obra na ganito eh. Magandang pagkakagawa.^^
TumugonBurahinOh pag-ibig! Pwersang napakalakas.Kapag napaglaruan ka, lagot na. Minsan talaga kayo ay pinagtatagpo ngunit kailanmay hindi magiging nakatadhana.
TumugonBurahin