Pakiramdam ko'y
nasa aking palad
ang kapangyarihan ng araw,
pinapaso ng daliri
ang makapal mong balat
ini-inin ang ugat sa likod,
sa braso, sa binti.
talampakan at noo.
nasa aking palad
ang kapangyarihan ng araw,
pinapaso ng daliri
ang makapal mong balat
ini-inin ang ugat sa likod,
sa braso, sa binti.
talampakan at noo.
Huwag ipagkamali
ang rahas at diin
ng mga daliri;
paggalugad ito
sa nagtatagong lamig,
pagsalat sa baradong ugat,
ang apoy sa kamay
ay alab ng ginhawa;
tinutupok ng haplos
ang pagpapagal; nang mabuhay
na mag-uli ang katawang lupa.
01/05/2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento