Nagmamapa ang gatla
sa lamukos na papel,
at salasalabid sa dibdib
ang mga buhol ng sinulid.
sa lamukos na papel,
at salasalabid sa dibdib
ang mga buhol ng sinulid.
O, kay lupit
nang umibig sa ulang nanalasa
sa panahon ng tagtuyot;
tumatawa lang ang lupa
sa halik ng mga patak.
Kumulapol ang putik
sa nagliligalig na puso.
01/04/2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento