Maraming nalalambat
ang mga salita;
maliliit, malalaking isda
na napaniwala na may bagong
daigdig, lampas sa pag-ahon.
ang mga salita;
maliliit, malalaking isda
na napaniwala na may bagong
daigdig, lampas sa pag-ahon.
Ngunit mapanlinlang
ang mga dalisdis ng salaming
aquarium; de-kahon ang ligaya
at lumbay, artipisyal ang mabuhay
kaya't kahit anong sisid
sa kailaliman, namamatay pa ring
lutang, sa imbing kababawan
ng pahinga at pahinga.
01/03/2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento