Kanina,
ipinasilip sa akin ng
malalim na tulog ang
bintana ng pagtanda;
hindi na nga ako
bumabata, at ang edad
ay hindi papaurong,
parang totoo ang mga
panaginip; pira-piraso
ngunit singlinaw ng
agos ng tubig
ang mga bagay,
kahit lagaslas ay
rumirindi sa pandinig;
nanuot sa pang-amoy
ang bango at bantot.
at ginising ako
ng hagod sa likod
nang banggitin ko
ang maraming pangalan
ng mga nanakit
at nang-iwan.
01/08/2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento