Martes, Agosto 1, 2017
FILIPINO, PILIPINO, PILIPINAS
i.
Filipino, Pilipino, Pilipinas
wika, lahi't bansa
itong matatawag
ugat-kaluluwang
doon nakalimbag
ang saysay at diwa
ng liping marangal!
liping nakitalad,
lahing nakibaka,
wikang siyang budhi
ng pagkakaisa,
wika, lahi, bansang
tinig ay pag-asa
ng bayang ang hangad
ay maging payapa.
ii.
Wikang Filipino!
wika ng lahing marangal;
wikang magbubuklod
sa ka-Pilipinuhan,
kaya't susumpain
silang mga hangal
na sa kasaysaya'y
bumigti
sumakal
sa wikang minahal;
patayin ang wika
ay batas at atas
ng iilang ungas,
tagahimod-tumbong
bentador ng laya
isang kataksilan...
na kung ipatupad
lahing Pilipino'y
sa kapahamakan tiyak
masasadlak,
madilim ang bukas
ng lahing ang dila'y
ibinartolina, hindi makapiglas!
iii.
Ngunit,
ang wika ng bansa'y
wikang nakibaka!
kolektibong lakas
ang nag-ipun-ipon
ang nagkawit-bisig
ang nagsama-sama,
dagundong ng yabag
ingay-alingawngaw
martsa sa kalsada;
ang igkas-kamao
ngitngit ng pagsulong
sa mga protesta!
Niyanig ng sigaw
at ng panawagan,
"ang wika, ang bayan,
ipaglaban!"
iginilgil ito nang walang atrasan,
at hindi sumuko
nang 'di mapakinggan!
walang takot,
buong tapang
na nagsulong
nakisangkot
upang bigyang dangal
wikang binusabos
handa lagi kaming
suungin ang gusot,
upang ipagtanggol
wikang pinuntirya
ng mga balakyot!
iv.
Sapagkat,
ang wika ng bayan
ay armas at lakas,
Wikang Filipino
ang hahasang talim
sa minsang pinunggok
na dunong at utak;
at Filipinolohiya
ang larang at galing
sa sikhay ng isip
tungo sa pag-unlad,
dahil bayan tayong
may kultura't tatak
wika nati'y
patuloy sa pag-usad
pumipintig sa ugat
bukal ng dugong
bumubulwak...
yumayabong
sumusulong
lumalawak!
v.
Filipino
Pilipino
Pilipinas,
Wikang nakibaka, lahing nagkaisa
bayang ninanais ay maging
payapa!
wika, lahi, bansa tayong
punung-puno ng pag-asa
sumusuong
nagtatanggol
lumalaban
bumabangga ng harapan
sa harang ng mailap
na kapayapaan!
Filipino
Pilipino
Pilipinas
Wikang kaluluwa
Lahing mararangal
Ang bayang magiliw!
Perlas ng silangang
'di na pasisiil!
Ang wika
Ang bayan
anuman ang hilahil
ay 'di na palulupig
hindi na pasisikil!
Miyerkules, Marso 8, 2017
"KIBOT"
Hindi ligtas ang labi
sa halik ng buwan
gaya ng paghalik ng hamog
sa pisngi ng mga dahon
mamasa-masa ang lupa
sa hilamos ng umaga
nagmumumog ng panaginip
at mga alaala
ang nag-iinat na pag-asa.
sa halik ng buwan
gaya ng paghalik ng hamog
sa pisngi ng mga dahon
mamasa-masa ang lupa
sa hilamos ng umaga
nagmumumog ng panaginip
at mga alaala
ang nag-iinat na pag-asa.
Martes, Marso 7, 2017
A PIECE OF TALK
Ilatag sa hapag
ang init ng mga usapin
wala tayong hindi mapagkakasundo
kahit sugat-sugat ang ating mga puso
sa mga paghihinala
at mga maling akala
na tayo rin ang may gawa;
ang init ng mga usapin
wala tayong hindi mapagkakasundo
kahit sugat-sugat ang ating mga puso
sa mga paghihinala
at mga maling akala
na tayo rin ang may gawa;
Huwag kang magtataka,
kinukuryente ang pagtitiwala
ng makakati ang dila
sa tahi-tahing kuwento't
gawa-gawang haka-haka
mandirigma tayong may isang salita
ang bala ng dila'y alingawngaw ng paglaya
mag-usap tayo nang payapa
mag-usap tayong may pagpapakumbaba
susi ang salita
sa kinakalawang na tanikala.
kinukuryente ang pagtitiwala
ng makakati ang dila
sa tahi-tahing kuwento't
gawa-gawang haka-haka
mandirigma tayong may isang salita
ang bala ng dila'y alingawngaw ng paglaya
mag-usap tayo nang payapa
mag-usap tayong may pagpapakumbaba
susi ang salita
sa kinakalawang na tanikala.
Lunes, Pebrero 20, 2017
BULAG
"Ang Pilosopiyang mata sa mata ay magdadala sa lahat sa pagkabulag"
Martin Luther King Jr.
Anong mahihita sa pagpikit?
kinakalabit ng dilim ang katinuan
nagbabantang agam-agam
sa masinsing kurot
ng usisa at panimdim;
yabag ng takot ang mga alaala
sa maraming mukhang
hindi makilala sa kulapol
ng dahas at kamatayan.
Nakakabulag
ang pagkibit-balikat;
telong tumatabing
sa sulok ng mga mata
ang likhang drama
ng madugong eksena
ng pagkakamit ng hustisya;
nang-uusig ang konsensya
sa hugot ng mga huling hiningang
dinispatsa sa suspetsa
at paghihinala;
umaatungal ang katarungan
sa paggulong ng mga ulo,
masangsang ang dugo
sa napapanis na laway
ng mga atas at batas!
HUWAG KANG PAPATAY!
nakabaon ang pangil ng kamatayan
kung madaling araw!
Martin Luther King Jr.
Anong mahihita sa pagpikit?
kinakalabit ng dilim ang katinuan
nagbabantang agam-agam
sa masinsing kurot
ng usisa at panimdim;
yabag ng takot ang mga alaala
sa maraming mukhang
hindi makilala sa kulapol
ng dahas at kamatayan.
Nakakabulag
ang pagkibit-balikat;
telong tumatabing
sa sulok ng mga mata
ang likhang drama
ng madugong eksena
ng pagkakamit ng hustisya;
nang-uusig ang konsensya
sa hugot ng mga huling hiningang
dinispatsa sa suspetsa
at paghihinala;
umaatungal ang katarungan
sa paggulong ng mga ulo,
masangsang ang dugo
sa napapanis na laway
ng mga atas at batas!
HUWAG KANG PAPATAY!
nakabaon ang pangil ng kamatayan
kung madaling araw!
Martes, Agosto 23, 2016
HUGIS BALA ANG BUTIL NG BIGAS
tamnan ng bala
gutom na sikmura
solusyon ng gobyernong
walang ipakain
walang ipalamon
sa bitukang nag-aalsa gutom;
sinungangang tingga
sa bibig ng protesta
ang nagpasambulat sa utak
nagpasabog ng bungo
nagpabulagta
sa katawang umaamot ng awa,
upang mairaos
kalam at kalampag
ng nagwawalang bituka.
mumo ng kanin
ang basyo ng bala;
butil
ng naghihingalong hininga
lumalanghap
masangsang
malansang amoy
ng dugo at pulbura
nasa dulo ng gatilyo
ang pulpol na sintido;
kampon ng balasubas
na estado
ang pagtratong di makatao
ng inutil na gobyerno;
'di malimusan ng bigas
inuutas!
kamatayan
sagot sa kagutuman
ng bitukang nagbabarikada,
silang nagsasaka
silang nagpupunla
silang naglilinang
ng natuyo
nababaog na lupa
ang pinaulanan ng bala...
walang habas
marahas;
agunyas ang pagpulas
ng mga katawang
gustong makaiwas
sa punlong walang sinasanto
walang sinisino!
niraratrat ng bala
katawang tumitindig,
pagkakawit-bisig
ng paninindigang
sumisigaw sa gutom
ang ibinabaon sa nakatutulig
na galit at paghihiganti!
naghuhugis bala na
ang butil ng bigas,
nahihinog na
ang natatanging oras
upang hilamusan ng dugo
ang karit at araro!
gutom na sikmura
solusyon ng gobyernong
walang ipakain
walang ipalamon
sa bitukang nag-aalsa gutom;
sinungangang tingga
sa bibig ng protesta
ang nagpasambulat sa utak
nagpasabog ng bungo
nagpabulagta
sa katawang umaamot ng awa,
upang mairaos
kalam at kalampag
ng nagwawalang bituka.
mumo ng kanin
ang basyo ng bala;
butil
ng naghihingalong hininga
lumalanghap
masangsang
malansang amoy
ng dugo at pulbura
nasa dulo ng gatilyo
ang pulpol na sintido;
kampon ng balasubas
na estado
ang pagtratong di makatao
ng inutil na gobyerno;
'di malimusan ng bigas
inuutas!
kamatayan
sagot sa kagutuman
ng bitukang nagbabarikada,
silang nagsasaka
silang nagpupunla
silang naglilinang
ng natuyo
nababaog na lupa
ang pinaulanan ng bala...
walang habas
marahas;
agunyas ang pagpulas
ng mga katawang
gustong makaiwas
sa punlong walang sinasanto
walang sinisino!
niraratrat ng bala
katawang tumitindig,
pagkakawit-bisig
ng paninindigang
sumisigaw sa gutom
ang ibinabaon sa nakatutulig
na galit at paghihiganti!
naghuhugis bala na
ang butil ng bigas,
nahihinog na
ang natatanging oras
upang hilamusan ng dugo
ang karit at araro!
Biyernes, Agosto 28, 2015
WIKA AT BAYAN... IPAGLABAN!
Dinggin...
hinaing ng lahing
binaon ng buhay,
may wika at bayang
pinaggutay-gutay,
pinagtiyap-tiyap
ang puri at dangal
ng mga salaring
harungas at hangal.
di ba't kahangalan
lantarang ibenta
ating kasarinlan
at ipagahasa
ang likas na yaman
sa dayong dayukdok
na mamumuhunan
at magpakasasa
sa kaban ng bayan
ang linta't limatik
sa pamahalaan!
anong saysay ng pag-unlad?
pagkabansa'y malilimot
at tuluyang itiwalag
nang malambat sa pangako
ng ilusyon at pangarap!
harap-harapang
pagpapanggap,
hayag-hayagang
panglilinlang
sagad-sagarang
kasinungalingan!
pinamukhang panloloko
pambibilog ng sintido
panggagago't panggagantso
lantarang pagyurak
sa pagka-Pilipino
Pag-unlad bang matatawag?
wikang binabansot,
dilang kinakapon
sambayanang hilahod na
sa tiyak na pagkagutom;
wikang pinapatay
bayang kinakatay
bansang inatado
tinadtad ng buhay!
sa wika;
kaunlara'y masisipat,
ngunit wika pagkinitil
huwad lamang ang pag-unlad
kapag wika'y yumayabong
sambayana'y umuusad,
ang paghakbang ay pasulong
walang saysay ang makupad!
wikang watak-watak
bayang wasak-wasak
patak-patak na pangako
ng biyaya ng pag-unlad!
dilang binusalan
nilolokong sambayanan
mamamaya'y may katwirang
bumalikwas at lumaban!
salitang matatalas
utak na mapurol
kaunlara'y mapanlinlang
sa dikta ng asong ulol!
soberanya ng bayan ko
kung hayaang maulaol,
anong uring bansa tayong
mas higit pa sa masahol!
Ipaglaban...
Wika at Bayan
bawat isa'y may tungkulin
na magtasa ng katwiran;
Wika't Bayan... Ipaglaban!
ito na ang panahong
bawat isa'y manindigan!
Filipino... Ipagtanggol!
wika nitong lahing
ang dangal ay kinulapol!
Pilipinas... bayang magiliw!
dinaluhong ka nang gutom
at labis na pagkabaliw!
Husto na...
oras na...
tama na...!
nasa atin ang pagpapasya!
mag-organisa...
makisangkot...
magsama-sama...
kawit-bisig tayong
magmamartsa sa kalsada
sisigaw tayong tinig ay iisa;
wikang mapagpalaya,
wika namin ay protesta
huwag matakot!
huwag matakot!
makibaka!
hinaing ng lahing
binaon ng buhay,
may wika at bayang
pinaggutay-gutay,
pinagtiyap-tiyap
ang puri at dangal
ng mga salaring
harungas at hangal.
di ba't kahangalan
lantarang ibenta
ating kasarinlan
at ipagahasa
ang likas na yaman
sa dayong dayukdok
na mamumuhunan
at magpakasasa
sa kaban ng bayan
ang linta't limatik
sa pamahalaan!
anong saysay ng pag-unlad?
pagkabansa'y malilimot
at tuluyang itiwalag
nang malambat sa pangako
ng ilusyon at pangarap!
harap-harapang
pagpapanggap,
hayag-hayagang
panglilinlang
sagad-sagarang
kasinungalingan!
pinamukhang panloloko
pambibilog ng sintido
panggagago't panggagantso
lantarang pagyurak
sa pagka-Pilipino
Pag-unlad bang matatawag?
wikang binabansot,
dilang kinakapon
sambayanang hilahod na
sa tiyak na pagkagutom;
wikang pinapatay
bayang kinakatay
bansang inatado
tinadtad ng buhay!
sa wika;
kaunlara'y masisipat,
ngunit wika pagkinitil
huwad lamang ang pag-unlad
kapag wika'y yumayabong
sambayana'y umuusad,
ang paghakbang ay pasulong
walang saysay ang makupad!
wikang watak-watak
bayang wasak-wasak
patak-patak na pangako
ng biyaya ng pag-unlad!
dilang binusalan
nilolokong sambayanan
mamamaya'y may katwirang
bumalikwas at lumaban!
salitang matatalas
utak na mapurol
kaunlara'y mapanlinlang
sa dikta ng asong ulol!
soberanya ng bayan ko
kung hayaang maulaol,
anong uring bansa tayong
mas higit pa sa masahol!
Ipaglaban...
Wika at Bayan
bawat isa'y may tungkulin
na magtasa ng katwiran;
Wika't Bayan... Ipaglaban!
ito na ang panahong
bawat isa'y manindigan!
Filipino... Ipagtanggol!
wika nitong lahing
ang dangal ay kinulapol!
Pilipinas... bayang magiliw!
dinaluhong ka nang gutom
at labis na pagkabaliw!
Husto na...
oras na...
tama na...!
nasa atin ang pagpapasya!
mag-organisa...
makisangkot...
magsama-sama...
kawit-bisig tayong
magmamartsa sa kalsada
sisigaw tayong tinig ay iisa;
wikang mapagpalaya,
wika namin ay protesta
huwag matakot!
huwag matakot!
makibaka!
Miyerkules, Pebrero 18, 2015
NA S'AN SILANG MAGIGITING?
na sa’n
sila?
silang
ang bingit ng hininga’y
ikinalso
sa protesta
na ang
tapang
ay sing
init ng aspalto
ng
kalsada,
nakikipaggirian,
nakikipagmatigasan,
nakikipagbanggaan,
prinsipyong
‘di
matinag ng kung sino
paniniwalang
‘di
matibag ng estado
na sa’n
silang magigiting?
na sa’n
silang ipinako
ang
layunin
na
makapaglingkod
na
makapagmulat
na
makapaghayag
sa masa’y
masidhing
nagpapabalikwas;
upang
magsulong at isulong
ang
pambansang pagbabago;
kahit
magbubo pa ng dugo
kahit
sumabog pa ang bungo
sa
pakikipag-angasan
sa
pakikipagbangasan
sa
pasistang estado;
walang
sinisino
ang
kanilang tapang
sa
ngalan ng sinasabing
pambansang
kapakanan!
na sa’n
na ba sila?
na sa’n
na nga silang naghahasik,
nagbibinhi
ng butil
ng
paghihimagsik;
na sa’n
silang pumupungos
ng
sungay ng demonyo?
upang maibsan
ang kalbaryo
ng
masang inginudngod
sa
pagdarahop
ng mga
manggagawang
baluktot
na ang gulugod
ng mga
magsasakang
alipin
pa rin ng araro
ng mga
estudyanteng
ginawang
mangmang at bobo
mga
pamilyang walang matirahan
mga
biktima ng kawalang katarungan!
na sa’n
na ba silang kumikilos
at
nagpapakilos?
silang
lagi’t lagi’y nariyan
pasulong
kung humakbang
kolektibo
kung lumaban
walang
inaatrasan,
walang
inuurungan
na sa’n
na ba sila?
sa ‘sang
panahon
ng
pagdududa,
sa ‘sang
panahon
ng
pagdadalawang isip,
kanino’t
saan kami kakapit?
kung
silang magigiting ay wala na;
isinanla
ang tapang,
binusalan
ng kuwarta,
umurong
na ang bayag,
bumahag
na ang buntot,
naduwag!
dahil
ang prinsipyo
ay
mayro’ng katapat
posisyon
para sa disposisyon,
pera ang
halaga ng dangal,
lahat ay
mayro’ng kapalit
bayad-utang
sa pananahimik!
na sa’n
silang magigiting?
sa’n
sila hahanapin?
kung
tuluyang nagpalamon,
nagpakain,
sa
bulok,
nakasusulasok
na sistema;
ano’t
bahagi na sila
silang
dati ay kasama
ngunit
ngayo’y kumukubra
ng
paldo-paldong kuwarta
kumapal
na ang bulsa
habang
manhid ang konsenya,
tagabenta
ng
pambansang kapakanan,
namuhunan
ng talino at tapang
para
lokohin ang bayan!
silang
mga salanggapang,
silang
prinsipyadong oportunista,
silang
bolero ng masa;
magilas
sa boladas
ng
panlilinlang,
masterado
ng kawalanghiyaan,
doktorado
ng kasinungalingan,
sila na
dapat na asahan
silang
dapat na maglingkod
ang siya
ngayong
nagngunguso
nanduduro
ng
karapatan
ng
kapakanan
ng
masang dapat
pinaglilingkuran!
na sa’n
silang magigiting?
sila na bang
lumulunok ng kahihiyan
sa
pansariling kapakinabangan?
kung
ganito na ang magiting,
ihatag,
ilatag
sa hapag
ng pambansang piging
ang
isang malawakang
pagwawasto’t
pagtitining!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)