Lunes, Abril 4, 2011

KATEYBOL

siniil ng halik
ang araw na itong
tigib ng himutok;
at gumanti akong
walang alinlangan
sa 'king niloloob,
natunaw sa titig
ang aking damdaming
nag-aalimpuyos
ang bawat yakap mo'y
simula ng aking
saya't pagkalimot.


ito ang sandali
     ng pagsisimula
ng bagong pag-irog
kakanlong sa titig
yakap at halik mo
ang dusta kong loob...

2 komento:

  1. Castro, Renalene A.
    para sa akin ang tulang ito ay nagpapakita kung gaano kamapusok ang mga tao sa panahaon ngayon at mabilis na nain"in-love". Nagiging mabilis ang mga pangyayari sa kanilang relasyon, di tulad noon na kinikilala mo muna ang iyong gf/bf bago mo ibigay ang iyong sarili. sa aking palagay ang tulang ito ay nagkekwento kung paano nagsisimula ang mga pagkakamali ng mga kabataan sa panahon ngyaon, sa kanilang pagiging mapusok at mahina sa tawag ng laman.

    TumugonBurahin