hindi ko malaman
kung sino ka?
kung kita'y pagmasdan
hindi ko matingkala
ang iyong pagkatao;
sa kaanyuan mong
binalutan ng kahiwagaan
kung kita'y titigan
ninanasa-nasa kong makaulayaw,
mapanaginipan.
ang sulyap mo'y
isang katanungan;
kung ang mga mata'y
magkadaupang-palad
at ang mga titig ay magkawing
sa isang panig,
hinahanap ko ang bagay
sa likod ng iyong pag-iisip;
mga ngiting hindi mamagkano
pumipingkaw sa kaluluwa ko,
manipis mong labi'y
humahaplos sa aking kaakuhan
at kung ako'y iyong titigan
ng mga ngiting may kaaskaran
maniwala't dili'y
"pinitik-pitik" ang aking
katauhan!
sa aking palagay ang tulang ito. ay nagpapahiwatig sa bawat isa sa atin na huwag maging mapanghusga sa ating kapwa dahil ang katauhan ng isang tao ay hindi nakikita sa kanyang panlabas na kaanyuan.
TumugonBurahin