ang batid ko'y isa lamang
na hindi ko matanggihan
ang sandaling hanapin ka't
mapagmasdan
at igugol ang oras ko sa inuman...
walang panghihinayang
walang pagsisisi
walang kontrol ang sariling
sa iyo'y nahirati;
gustuhin ka'y gusto ko rin
ibigin ka'y isang sampal sa akin!
"kung bakit?" ay 'di ko masabi
may kaba pa ang dibdib ko
na hindi ko mapagwari.
sa tingin ko'y masarap kang mahalin
ang tingin ko'y masarap kang maglambing
kung sa pag-ibig mauuwi
ang espesyal na pagtingin
sa tingin ko'y kapwa tayong
may damdaming paluluhain.
ito'y isang pagtatapat
nang gaya ko sa gaya mong
kumiliti sa ulirat;
wala akong ibang hangad
walang halong pagpapanggap;
kung ang hapdi ng nagdaa'y
naro'n pa rin sa hinagap
hayaan mong
gamutin ko, gamutin mo
ang naknak ng ating sugat!
wala nang kasunod toh sir???
TumugonBurahinSa aking palagay, pagmamahal na tunay ang nais ipahiwatig ng tulang ito.
TumugonBurahinNabanggit dito ang "ibigin ka'y isang sampal sa akin". Siguro kaya niya iyan nasabi ay dahil siya lang ang umiibig mag-isa. Na hindi siya mahal ng taong minamahal niya.
Kapag magmamahal ka dapat ay wala kang panghihinayang at pagsisisi. Kapag nagmamahal ka, kailangan totoo ka. Wag ka magpapanggap. Handa ka din dapat masaktan o handa kang gawin ang lahat sa abot ng iyong makakaya mapasaya mo lang ang iyong mahal at handa mo siyang tulungan na makalimutan ang sakit na naramdaman niya sa kanyang nakaraan.