Dapat…
ang tula
kapag bumabanat,
talinghaga’y
hindi laging
gomang binabatak;
o
lotion
na pampahid sa balat,
hindi
laging banayad;
dapat
sumusugat,
dapat
tumatarak!
ang
tula
kapag
magmumulat;
ang
dapat
sa salita’y
may bayag,
hindi
titi
na titigas-tigas
o
lampang salitang
nag-aangas-angas!
hindi
kinakapon
ng ilusyon
o
dilang salitang
humihimod-puson;
dahil
ang tula’y
pagsasalsal
ng prinsipyo;
at
bawat makata’y
tingarong
tarugo!
umuulos tayo’t
bumabayo…
upang
magbuntis
ng
pagbabago!